- CALVARY HILLS -

Ang aming unang destinasyonCalvary Hills!


Ito ay isa sa mga inihahambog ng Iguig na mayroong 11 hektaryang maburol-burol na lupain at 6 metrong taas na mga rebulto  na ipinapakita ang 14 na Stasyon ng Krus (14 Stations of the Cross).





Ang ideya na ito ni Paring Rogelio Cortez ay ginawa noong 1982. Ang mga istatuwa ay makukulay at parang buhay kung titignan. Ang mga ito ay nakatayo sa likod ng simbahang San Antonio de Galicia.


Ang simbahan na ito ay ginawa noong 1765-1787 ni Rev. Pedro de San Pedro. Ang San Antonio de Galicia ay sinasabing may sariling storya sa kung sino man ang pumasok sa simbahang ito. At sa itaas ng mga burol, makikita ang Ilog Cagayan o and Rio Grande de Cagayan. Ito ang pinakamahaba at pinakamalaking ilog sa isla ng Pilipinas.

Kaya't kung isang panibagong karanasan ang hinahanap niyo sa Mahal na Araw,  punta na sa CALVARY HILLS!

No comments:

Post a Comment