- CALLAO CAVE -

At ang huli naming destinasyon, CALLAO CAVE~

Ito ang isa sa mga lugar na pweden puntahan ng "Nature-lovers." Ito rin ay isa sa mga "Best Tourist Attractions" ng probinsya. Ito ay natatagpuan sa Barangays Magdalo and Quibal, Peñablanca--malapit sa Tuguegarao City, ang "Capital City" ng Cagayan.





Dito, maganda na maranasan ng mga bagong turista ang pagsakay ng bangka papunta doon. Dito palang ay makikita mo na ang berde na labas ng cave.





Pagkarating, ikaw ngayon ay sasamahan ng isang 'Tourist Guide'. Ang unang makakasalubong mo dito ay ang 187 steps na kailangang akyatin para makarating sa 'mouth' ng cave. Kung gusto mo talagang mawalan ng hinga, subukan mong magbilang pataas sa hagdanan.


At pagkatapos, hayan na! Dito na sa loob ng Callao Cave.
Isang fact na ibinahagi sa amin ng aming guide ay ang unang nag 'vandalize' ng cave na ito ay si... Theodore Roosevelt. Kagulat no? Kung gusto mong makita, tingin ka sa taas ng entrace ng cave.



Sa unang chamber makikita ang isang mahiwagang chapel. Hindi na nagmimisa rito, pero minsan minsan ay may mga kasal na nagaganap. Sosyal.

Pangalawa, Pangatlo at pangapat na chamber. Hanggang panglima lang kami nakarating. Pero sa lahat ng chamber na ito, mayroong mga natural stalactites, stalagmites at iba pang rock formations. Pati nga ito ay binibigyan ng pangalan tulad ng "3 scoops of ice cream," ang kabayo na tumitingin pababa, ang anghel at iba pa.

Sa paglabas namin, sinubukan namin na mag "sneak peek" sa isa pang cave na malapit lang. Ito ay tinatawag na Lattu-lattuc cave na nagtratranslate na "butas-butas".  Konting nakakatakot ang punta dito dahil walang trail, kailangan mong kumapit, umakyat--at kung trip mo, tumalon at magswing. Masaya pero hindi "for the faint-hearted."


Sa Lattu-lattuc cave, maliit lamang ito, entrance palang. Pero makikita mo ang mga bato nitong kumikintab-kintab. Nakakaaliw, pero nakakabitin. Kung didiretso ka pa, maliit lang ang daanan, sinasabi ko sayo, parang kailangan mong gumapang para makalusot. At sa huli, ang labas mo dito... Ay sa entrance ng Callao Cave..! Astig, diba?